Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kate, malaki ang pasalamat sa TAPE

MASAYA si Kate Lapuz dahil kasama siya sa millennial cast ng Trops na napapanood bago mag- Eat Bulaga ng GMA 7. Kasama  niya ang  That’s My Bae, si Taki Saito,Toni Aquino, Benjie Paras, Ina Raymundo, at Irma Adlawan.

Malaki ang pasasalamat ni Kate sa TAPE Productions dahil isinama siya sa bagong youth-oriented show bilang si Pia. Makikigulo siya sa tandem nina Taki at Kenneth Medrano. Bukod kay Kenneth ay mali-link din siya kay Miggy Tolentinona angat  sa That’s My Bae pagdating sa acting. Napanood kasi namin ito noong Tuesday at may ibubuga siya sa pag-arte. May future si Miggy sa aktingan at mahal siya ng kamera dahil guwapo at astig ang dating, huh!

Anyway, tungkol pa rin kay Kate, produkto siya ng Walang Tulugan. Endorser ng Hea Watch Unisilver at dumaan sa workshop kay Ogie Diaz.

Makakasama siya tuwing umaga sa Trops na tumatalakay sa  millennial generation, ang  pakikipagrelasyon ng mga bagets ngayon at pagkahilig nila sa social media, gadgets atbp.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …