Sunday , December 22 2024

Piyansa ni Colanggo ibinasura ng CA

IBINASURA ng Court of Appeals ang kahilingan ng isa sa high-profile inmates na si Herbert Colanggo na makapagpiyansa.

Si Colanggo, isa sa tinaguriang Bilibid 19, ay una nang nahatulan sa kasong robbery ng Parañaque Regional Trial Court Branch 194.

Ang kampo ni Colanggo ay humirit nang pansamantalang kalayaan dahil kung pagbabata-yan umano ang rekord ng kanyang kaso, hindi matibay ang ebidensiya laban sa kanya at bilang pagsasaalang-alang sa lumalalang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Sinasabing hindi gumagaling ang kanyang sakit sa likod, pananakit at pamamanhid ng ibabang bahagi ng kanyang katawan at may problema sa pag-ihi.

Ginawang argumento sa petisyon ni Colanggo ang pagpayag ng Korte Suprema na makapagpiyansa si Senador Juan Ponce Enrile na akusado sa kasong pandarambong, bunsod ng kanyang kalusugan.

Ngunit sa resolusyon ng Court of Appeals fifth division na isinulat ni Associate Justice Jose Reyes, walang merito ang petition for bail ni Colanggo dahil siya ay nahatulang mabilanggo ng reclusion perpetua o pagkabilanggo mula 20 taon at isang araw hanggang 40 taon.

Sa ilalim ng Revised Rules of Criminal Procedure, kapag ang hatol sa isang akusado ay pag-kabilanggo ng higit anim taon, hindi papayagan ang akusado na makapagpiyansa.

Hindi rin maaaring ikompara kay Colanggo ang kaso ni Enrile dahil ang dating senador ay hindi pa nahahatulan.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *