Saturday , November 16 2024

P200K reward vs killer ng Singaporean

NAG-ALOK ng P200,000 pabuya ang pamilya ng isang Singaporean national na binaril at napatay ng isang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa lungsod ng Parañaque nitong nakaraang taon, sa sino mang makapagtuturo sa suspek sa nasabing insidente.

Sinabi ni Paranaque City Police chief, Senior Supt. Jose Carumba, nagtungo si Rovelyn Jang, sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong at sinabing magbibigay siya ng pabuyang P200,000 sa kung sino mang makapagbigay ng impormasyon kung sino ang nasa likod nang pagpaslang sa asawa niyang si Stanley See Wie Jang, 26, isang negosyante.

Pahayag ng ginang, Agosto 5, 2015 pinasok at binaril sa loob ng opisina ang kanyang asawa at hanggang ngayon ay hindi pa nabbigyan ng katarungan ang biktima.

Hinala ng ginang, posibleng may kinalaman sa negosyo ang insidente.

Samantala, nanawagan ang Parañaque City Police na kung sino man ang may nalalaman kaugnay sa kaso ay makipag-ugnayan sa kanila sa hotline numbers sa 0998-5676753/ 7220955 / 7268632 sa tanggapan ng Parañaque City Police at Criminal Investigation Detection Group ng Southern Metro Manila.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *