Sunday , December 22 2024

Robredo nanawagan labanan ang human rights violation

SA isang talumpati ni Vice President Leni Robredo sa Malolos Bulacan, siya ay nanawagan na dapat labanan ang human rights violation at ang pagbabalewala sa mga due process.

Sa kaniyang speech ay nagbalik-tanaw si Robredo sa pagdedeklara ng batas militar noon na kaniya ring nasaksihan. Dagdag pa niya, ang greed ng mga tao na uhaw sa kapangyarihan ay isa pang kalaban ng bansa. Hinikayat niya rin ang publiko na huwag sanang i-disappoint ang susunod na henerasyon.

PACQUIAO SINUSULONG
ANG DEATH PENALTY

Nag-file si Sen. Manny Pacquiao ng Senate Bill 185, na nag-propose na ibalik ang death penalty at taasan ang penalty para sa malubhang kaso katulad ng droga. Para kay Pacquiao, dapat din ibaba ang amount ng drug possession na puwedeng patawan ng habambuhay na pagkakabilanggo from 50 grams to 10 grams.

Naniniwala si Pacquiao na sa pamamagitan nito, mababawasan ang crime rate sa bansa. Sinabi ni Sen. Richard Gordon that Sen. Panfilo Lacson filed same bill.

JB SEBASTIAN WALA SA WITNESS
PROTECTION PROGRAM

Inilinaw ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na si JB Sebastian ay wala sa witness protection program, dahil ang mga testimonya raw nito sa house investigation ay pinaghalong totoo at kasinungalingan, na nagiging dahilan na hindi siya maging qualified sa programa.

Sinabi rin ni Aguirre na hindi kapani-paniwala ang mga sagot ni Sebastian kaya hindi niya ini-offer ang proteksiyon.

Taliwas ito sa naging pahayag ng Lawyer ni Sebastian na si Eduardo Arriba na si Sebastian at pamilya nito ay nasa ilalim ng WPP.

MALABONG GAWING
REGION ANG NEGROS

Noong administrasyon ni Aquino, nagkaroon siya ng Executive Order na gawing Negros Island Region ang Negros Oriental at Negros Occidental. Ang ideya na ito ay inendoso ni former Interior Secretary Mar Roxas, na ang magulang ay nanggaling sa Negros Occidental.

Ang Executive Order ay pending sa Office of the President. Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang merging ng dalawang Negros province ay “Expensive Exercise” dahil ito ay magkakahalagang P19 billion.

Bukod sa mahal daw ang budget, marami pang ibang priorities ang administrasyong Duterte.

MGA KUWENTO NI MRS. OX
ni Marnie Stephanie Sinfuego

About Marnie Stephanie Sinfuego

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *