Saturday , November 16 2024

120 raliyista duguan at sugatan, 30 arestado; 10 pulis nasaktan (Madugong dispersal sa US Embassy)

102016_front

UMABOT sa 120 raliyista ang duguan at grabeng nasaktan mula sa hanay ng mga militante at indigenous people dahil sa marahas na pagbuwag ng mga kagawad ng Manila Police District Ermita Station (PS5) sa tapat ng US Embassy sa Roxas Blvd., kahapon ng umaga.

Habang iniulat ng pulisya na 10 pulis ang nasugatan sa kanila at 30 katao ang arestado.

Sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at militanteng grupo nang makalapit sa harap ng US Embassy sa Roxas Blvd., ang tinatatayang 1,000 raliyista pasado 12:00 pm kahapon.

Ayon kay Supt. Marcelino Pedroso, hepe ng MPD-Public Safety Battalion, nagulat sila sa laki ng bilang ng raliyista.

Ani Pedrozo, out numbered ang puwersa ng pulisya sa lugar sa laki ng bilang ng mga militanteng sumugod sa US Embassy para ipanawagan ang pag-alis ng puwersa ng mga Amerikano sa Mindanao.

Sa ulat, dakong 11:00 am nang magsimula ang kilos-protesta, na kinabibilangan ng indigenous people mula sa T.M. Kalaw St., habang ang iba pang  militanteng grupo ay mula sa Padre Faura St.

“Hindi namin ini-expect na ganoon sila karami, mga 100 lang kaming pulis na nasa lugar, ang ginawa nila hiwa-hiwalay sila pagdating malapit sa US Embassy bigla silang nagsama-sama, ang dami nila mga 1,000, iyong iba galing sa mga eskinita tapos may mga jeep pa sila, naikahon nila ang Roxas Boulevard, umulan ng mga mineral water na may laman tapos namumulot pa sila ng bato,” ayon kay PO1 Reyes.

Nagawang hagisan ng mga militante ng pinturang pula ang harapan ng US Embassy at maging ang mga pulis ay napuno ng pulang pintura ang mga uniporme.

Bilang ganti, dalawang beses naghagis ng tear gas ang pulis ngunit naagaw ng ralyista ang hose ng bombero kaya muling nagparesponde ng panibagong bombero.

Ngunit ayon sa grupo ng militante, hindi sa kanila nagsimula ang pandarahas.

Sa pahayag ng Sandugo, sinabi ni Amirah Lidasan, nakita niya nang iutos ni Pedrozo sa kanyang tauhan na sagasaan ang mga raliyista.

“Nasa harapan po kami, matatapos na ang rally nang iutos ni Pedrozo na sagasaan kami,” ani Lidasan, secretary-general ng Moro-Christian People’s Alliance.

Dinala sa MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga inarestong indigenous people at mga militante para sa kaukulang pagsasampa ng kaso.

ni LEONARD BASILIO

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *