MULING pinalawig ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order sa planong paghihimlay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay SC spokesperson, Atty. Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na muling palawigin hanggang Nobyembre 8 ang status quo ante order para sa Marcos burial.
Aniya, kamakalawa pa lamang umikot sa mga mahistrado ang dalawang opinyon na may kinalaman sa kaso.
Unang nagpalabas ang SC ng status quo ante order noong Agosto 23 na magtatapos sana noong Setyembre 13 ngunit pinalawig ito ng Korte Suprema hanggang Oktubre 18. (L. BASILIO)