INILAGAY na sa lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) sina Senator Leila De Lima at walong iba pa dahil sa alegasyong pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NB).
Bukod kay De Lima, kasama rin sa lookout bulletin sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group (PSG) member Sgt. Joenel Sanchez, dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta at dating driver at bodyguard ng senadora na si Ronnie Dayan.
Gayondin sina Warren Cristobal, Mark Noemin Adricula at Jose Adrian Dera.
Si Cristobal ay bodyguard at sinasabing lover ni De Lima habang si Dera ay sinasabing pamangkin ng senadora, ayon kay Bilibid inmate Hans Anton Tan.
Ang dalawang pahinang lookout bulletin na pirmado ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ay inisyu kasunod nang kahilingan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sa pamamagitan ng lookout bulletin, inatasan ng DoJ ang lahat ng immigration officers na makipag-ugnayan sa DoJ at NBI sakaling tangkain ng anim na lumabas ng bansa.
Kailangang i-forward ng Bureau of Immigration (BI) sa DoJ ang detalye ng flight, itineraries ng mga nasa lookout bulletin.
Karaniwang walang kapangyarihan ang BI na pigilan ang pagbiyahe ng isang indibidwal maliban na lamang kapag may utos ang korte.
Ngunit sinabi ni Aguirre, hindi puwedeng lumabas sa bansa ang limang government officials at employees kabilang na sina De Lima kapag wala silang travel authority mula sa kanilang heads of offices.
( LEONARD BASILIO )
SENADORA WALANG
BALAK UMALIS NG PH
NANINDIGAN si Senadora Leila de Lima kahapon, wala siyang planong lumabas ng bansa makaraan magpalabas ang Department of Justice (DoJ) ng immigration lookout bulletin order (ILBO) laban sa kanya at limang iba pang hinihinalang sangkot sa Bilibid drug trade.
“Huwag na ho sana sila magsayang o mag-aksaya ng panahon dahil wala naman ho akong balak umalis para takasan ang mga krisis na ito. Kung aalis man po ako sa bansa, may magandang dahilan, like for example if I’m invited to a speaking engagement siguro,” pahayag ni De Lima.
EX-DOJ SEC PROTECTOR NG NBP
DRUG LORDS — SEBASTIAN
ITINUTURING ni Jaybee Sebastian na ‘protektor’ nilang mga drug lord sa New Bilibid Prison si Sen. Leila de Lima.
Ito ang naging tugon ni Sebastian nang tanungin ni Compostela Valley Rep. Ruwel Peter Gonzaga kung “protektor o kasabwat” ba si De Lima sa kalakaran ng ilegal na droga sa national penitentiary.
Ngunit paglilinaw ni Sebastian, bagama’t hindi alam ni De Lima ang mga aktibidades nila, malinaw naman na alam ng senadora na ang mga natatanggap na pera ay mula sa drug trade.
JOENEL SANCHEZ LOVER
NI DE LIMA — JAYBEE
IKINANTA ng kidnapping convict na si Jaybee Sebastian si Joenel Sanchez bilang isa sa mga bodyguard ngunit lover ni Sen. Leila de Lima.
Sinabi ni Sebastian sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on justice hinggil sa drug trade sa New Bilibid Prison, “sweetie” ang tawagan nina De Lima at Sanchez.
Si Sanchez ay dating closed-in at security aide ni De Lima noong siya ay kalihim pa lamang ng Department of Justice.
Ayon kay Sebastian, minsan na rin niyang nahuling nagho-holding hands ang senadora at si Sanchez. Minsan na rin aniyang na-wrong send sa kanya si Sanchez ng text message na nakalagay roon ang “term of endearment” ng dalawa.
Matatandaan, sa pag-dinig ng komite noong nakaraang linggo, idiniin ni Sanchez ang dating driver ng senadora na si Ronnie Dayan at ang MMDA rider na si Warren Cristobal bilang boyfriend ng dating Secretary of Justice. Ngunit ayon kay Sebastian, hindi niya makompirma ang relasyon ni De Lima kina Dayan at Cristobal gayonman “affirmative” sa kanya ang relasyon nina Sanchez at ng senador.
P10-M BIGAY NI JAYBEE KAY DE LIMA
AMINADO ang convicted kidnapper na si Jaybee Sebastian, nangolekta siya nang milyon-milyong pera para sa pagtakbo sa Senado ni noo’y Justice Sec. Leila de Lima.
Sa ika-apat na araw ng pagdinig ng Kamara hinggil sa drug trade sa Bilibid, inamin ni Sebastian sa kanyang sinum-paang salaysay na umabot ng P10 milyon ang naibigay niya sa senadora. Ang unang P2 milyon aniya ay kanyang naibigay kay Joenel Sanchez, ang dating security aide ni De Lima, na aniya’y karelasyon din ng senadora. Naganap aniya ang pagbibigay niya ng pera kay Sanchez sa kanyang kubol ilang araw bago ang Pasko noong 2014. Aniya, nakompirma niya ito noong tanungin niya si De Lima sa pama-magitan ng isang tawag kung natanggap na ang kanyang inabot na regalo.
( JETH SINOCRUZ )