ARESTADO ang isang Grade 9 student ng Ramon Avanceña High School makaraan tangkang tangayin ang isang Honda scooter na nakaparada sa Dentistry Science Building ng Centro Escolar University sa Concepcion Aguila St., malapit sa panulukan ng Rafael St., San Miguel, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Anti- Carnapping Section ang suspek na si Juhary Casan, alyas Pogi, 19, residente sa Arlegui St., Quiapo, Maynila, sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Law of 1972 sa Manila Prosecutors Office, ng biktimang si Yves Louise Rebulado,19, estudyante ng CEU, at residente sa Floresca St., Pandacan, Maynila.
Sa imbestigasyon ni PO2 Ryan Paculan, ng MPD-ANCAR, dakong 11:45 am nang maaktohan ng lady guard na si Sabrina Jean Melic na pinaaandar ang Honda scooter ng biktima kaya agad inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.
( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )