Wednesday , May 14 2025
rape

Dalagita pinilahan ng 6 binatilyo sa sementeryo

HALINHINANG ginahasa ng anim binatilyo ang isang dalagita sa ibabaw ng nitso sa loob ng Manila North Cemetery kamakalawa ng gabi.

Agad nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) – Women and Children’s Protection Unit, ang 16-anyos dalagita upang ireklamo ang panghahalagay sa kanya ng anim suspek na pawang menor de edad.

Ayon sa biktma, naganap ang insidente kamakalawa ng gabi sa loob ng nasabing sementeryo sa Sta. Cruz, Maynila.

Nauna rito, niyaya ng mga suspek ang dalagita sa isang birthday party ng kanilang kaibigan na ginanap sa loob ng sementeryo.

Ngunit nang malasing ang biktima ay inihiga ng mga suspek ang biktima sa ibabaw ng nitso at halinhinang ginahasa.

Agad naaresto ng mga pulis ang dalawa sa mga suspek habang pinaghahanap ang apat nilang kasama.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *