PATAY ang isang barker makaraan hampasin nang maraming beses ng tubo sa mukha sa Tondo, Maynila kahapon kahapon ng madaling araw.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Paul Vincent Barbosa II ng Manila Police District (MPD)-Moriones Tondo Police Station, kinilala ang biktima sa alyas Oca, 50-55 anyos.
Ayon sa isang saksi, dakong 2:07 am nakita niya ang hindi nakilalang lalaki na lumapit sa natutulog na biktima sa Antonio Rivera St. at ilang beses na hinampas ng tubo sa mukha at pagkaraan ay mabilis na tumakas.
( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )