MARAMI ang nagbibiro na baka tuwang-tuwa raw ngayon si Sunshine Cruz sa pagkakadakip ni Krista Miller dahil umano sa ipinagbabawal na droga. Matatandaang nasangkot ang pangalan ni Krista sa paghihiwalay noon nina Cesar Montano at Sunshine.
May nagsasabi na kinarma raw si Krista.
“Hindi po ako natatawa o matutuwa sa misfortune ng iba,” deklara ni Sunshine.
Naaawa rin siya sa baby ngayon ni Krista dahil kamakailan ay nanganak ito.
“It’s ok and understandable naman kaya lang I heard may anak na siya. Siyempre kawawa riyan ‘yung anak niya at saka mag-4 years na akong hiwalay. I’m in a better place now,” tugon pa ni Shine sa kanyang Instagram Account.
TALBOG – Roldan Castro