“WHAT I don’t have probably, ang hindi ko talaga matututuhan is ‘yung charisma niya. Iba ang charisma niya sa tao. Iba ‘yung Dolphy, mahirap talagang tumbasan,” bungad ni Epy Quizon nang makausap namin ito.
Marami kasi ang nagsasabi na kamukhang-kamukha niya ang kanyang yumaong ama at hindi rin naman ito pahuhuli sa husay sa pag-arte sa yumaong Comedy King.
Pero para kay Epy, nag iisa lang ang Dolphy at mahirap itong tapatan. May ibang charisma kasing bitbit ang kanyang ama sa mga manonood at kaya naman halos lahat ng mga proyektong ginagawa nito ay matagumpay.
MATABIL – John Fontanilla