Wednesday , November 20 2024

Bala para sa dyowa sinalo, helper kritikal

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos canteen helper makaraan tamaan ng bala ng baril na ipinaputok ng isang lasing na lalaki na kaaway ng kanyang live-in partner kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Robelyn Canda, residente ng Block 1, Dubai, Baseco Compound, Port Area, tinamaan ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Ayon kay Supt. Albert Barot, ng Manila Police District-Police Station 5, naganap ang insidente dakong 12:20 am sa Block 1, Gasangan, Baseco Compound.

Napag-alaman, naglalakad nang makasagutan ng live-in partner ng biktima na si John-john Flores, 18, vendor, ang lasing at hindi nakilalang suspek.

Bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Flores ngunit mabilis siyang nakailag.

Bunsod nito, bumunot ng baril ang suspek at ipinaputok ngunit ang biktima ang tinamaan.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *