Thursday , December 26 2024

Bilibid drug lord patay sa ice pick (Sebastian, 3 pa sugatan)

092916_front
PATAY ang isang Chinese drug lord, at apat iba pang high-profile inmates ang sugatan sa insidente ng pananaksak sa loob ng New Bilibid Prisons nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni Justice Secretary Vialiano Aquirre II ang namatay na si Tony Co.

Kabilang sa tatlong high-profile inmates na sugatan sa insidente ay sina Jaybee Sebastian at Peter Co.

Ayon kay Aguirre, nangyari ang saksakan sa loob ng Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) dakong 7:40 ng umaga.

Malubha ang kalagayan ni Peter Co, habang “stable’ na ang kondisyon ni Sebastian, dagdag ni Aguirre.

Ang dalawa ay ginagamot sa Medical Center Muntinlupa sa nasabing lungsod.

Habang nasa Ospital ng Muntinlupa ang isa pang high-profile inmate na Vicenty Sy, at si dating Major Clarence Dongael.

Nakakulong sa Building 14 ng NBP ang mga high-profile inmate, kabilang ang “top drug lords.”

Batay sa paunang imbestigasyon, sinasabing bumabatak ng shabu ang tatlong Chinese drug lords sa loob ng kanilang quarters nang mangyari ang saksakan.

Ayon sa ulat, sinasaway ni Dongael ang tatlo sa pagbatak ng shabu upang hindi sila madamay. Ngunit nagalit si Tony Co at inatake ang dating pulis gamit ang isang kutsilyo.

“Pumasok si Tony Co at sinugod ng saksak (ang former police major),” pahayag ni Aguirre.

Iniimbestigahan kung paano nakapasok ang shabu sa bantay-saradong gusali.

Samantala, ayon kay Atty. Edgar Ariba, abogado ni Sebastian, may tama ng saksak sa dibdib si Jayvee at kinakailangan ilipat sa Asian Hospital para sumailalim sa operasyon.

Inihayag ni Atty. Ariba, nanonood ng telebisyon at nag-aalmusal si Sebastian nang sugurin ng saksak.

Ayon pa sa abogado, sinabi ni Sebastian na walang naganap na pot session at wala rin pagtatalo na nangyari sa insidente.

“Nasa mess room siya at nanonood ng TV,” ngunit tumanggi si Ariba na magbigay ng iba pang detalye upang hindi ma-preempt ang imbestigasyon.

Matatandaan, si Sebastian, isang gang leader, ay naimbitahan ng House of Representatives committee on justice sa pagdinig kaugnay sa shabu trade sa loob ng national penitentiary.

Nadawit ang pangalan ni Senadora Leila de Lima sa sinasabing bentahan ng shabu noong panahong siya pa ang Secretary ng Department of Justice.

Sa inquiry ng House, idiniin ng isang testigo na si De Lima ay tumanggap mula kay Peter Co ng P5 milyon upang mapalaya ang pamangkin na babae ni Co.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

‘PAG NAMATAY SI JAYBEE PABOR
KAY DE LIMA — AGUIRRE

NANINIWALA ang Palasyo na si Sen. Leila de Lima ang makikinabang kapag napatay si convicted kidnapper Jaybee Sebastian.

Ito ang pahayag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa press conference sa NAIA Terminal 2 kahapon makaraan ang departure ceremony sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Vietnam.

Ani Aguirre, kasinu-ngalingan ang bintang ng senadora na ang gobyerno ang nasa likod ng riot sa NBP kahapon ng umaga dahil mas gusto ng administrasyong Duterte na buhay si Sebastian at papabor kay De Lima ang sitwasyon kapag namatay ang convicted kidnaper na itinurong promotor nang pangangalap ng drug money sa NBP para sa kandidatura ng senadora  noong nakaraang eleksiyon.

“Kasinungalingan. We want Jaybee alive than dead. Sino bang gustong patayin si Jaybee? Kapag namatay si Jaybee sinong magbe-benefit? ‘Di ba si De Lima? Kasi mawawa-lan nang magko-connect, magte-testify lahat ‘yon?” ayon kay Aguirre.

Hamon ni Aguirre kay De Lima, magpresenta ng mga testigo para pabulaanan ang mga pahayag ng mga testigo sa Kongreso na sabit ang senadora sa illegal drugs trade sa NBP imbes pagbintangan ang administrasyon na pinahirapan ang mga saksi para siya’y ikanta. “Ikinakabit niya ako sa mga akusasyon na hina-harass ko siya. Maki-kita ninyo sa mga inmate na ang isang testigo na ini-harass, tinortyur, ma-kikita naman. No’ng makita mo naman very straightforward, kalmado. Nakapagbibiro pa nga. ‘Yan ang isang mark na totoo ang witness. Magpresenta ka nang ganyan Sen. De Lima, hindi ‘yang daldal nang daldal ka. Magpresenta ka ng witness para mapa-tunayan nga talaga na tino-torture sila. Wala ka man lang apat na oras after riot sa Bilibid meron ka na kaagad theory. Mag-imbestiga ka mu-na,” ani Aguirre.

Inuunahan aniya ni De Lima ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ulat na napunta sa senadora na noo’y justice secretary pa ang P300-M na nakompiska sa raid sa NBP noong 2014.

“Kay Secretary De Lima, doon daw ibinigay ng mga NBI. So, ‘yan ang sagutin mo Secretary De Lima, do not be masyado kang yakyak na wala ka namang sinasabi. Alam mo kapag ganoon na ang tao nawawala na ang katuwiran. Mag-defend ka ng sarili mo na puro accusation na walang pruweba,” giit ni Aguirre.

“Ginagawa ko lang bilang Secretary of Justice ang pag-imbestiga sa ‘yo. Sobra-sobra ang ebidensiya na nakinabang ka sa droga sa Bilibid. ‘Yan ang sagutin mo. Do not be hysterical. Hindi ka puwedneg maging hysterical kasi mawawala ka sa depensa mo. Uhm, hindi ‘yung puro ka akusas-yon, si President Duterte ang napapasama,” dag-dag ng Kalihim.

Kombinsido si Aguirre na mabubulok sa kulungan si De Lima dahil malakas ang mga ebidensiya laban sa senadora.

“Patutungo sa kanyang conviction kasi malakas ang ebidensiya laban sa kanya,” sagot ni Agui-rre nang tanungin kung saan patungo ang imbes-tigasyon laban sa senadora. Samantala, ihaharap na ng Presidential Security Group (PSG) ang kagawad nitong si Phil. Air Force (PAF) Sgt. Jonel Sanchez na naunang ikinanta ni convicted robber Herbert Colangco na na-ging bagman ni De Lima sa drug money mula sa NBP.

Nakatanggap na ng imbitasyon ang PSG mula sa House Committee on Justice para iharap si Sanchez. Si Sanchez ay halos limang taon na na-ging security aide ni De Lima noong justice secretary siya ng administras-yong Aquino. Ani Lt. Col. Michael Aquino, taliwas sa bintang ni De Lima sa PSG na ginigipit si Sanchez para palagdain sa isang affidavit para idiin ang senadora.

“To date, he has not signed any affidavit to that effect. He has signified to have a counsel preferably of his own choice but up to now he has not presented one. Since we fully respect his right to counsel. We have given him enough leverage to produce one,” ani Aquino.

   ( ROSE NOVENARIO )

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *