Monday , December 23 2024

P300-M sa 2014 raid missing — DoJ

NAWAWALA ang P300 milyon cash na nakuha sa raid sa New Bilibid Prison noong Disyembre 2014.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II alinsunod sa testimonya  ng isang inmate at intelligence officer.

Taliwas ito sa unang report na P1.6 milyon cash lamang ang nakompiska mula sa mga preso sa maximum security compound.

Ayon kay Aguirre, sinabi ng mga saksi na kasama sila sa pagsalakay noong Disyembre 15, 2014 na pinangunahan ni noo’y Justice Secretary at ngayo’y Senator Leila De Lima. Si De Lima ay inaakusahan ngayong sangkot sa bentahan ng  ilegal na droga sa NBP.

Sinabi ni Aguirre, iba ang deklarasyon ni De Lima kaya’t pinaiimbestigahan na rin  nila ito sa NBI.

Giit ni Aguirre, dapat din maipaliwanag kung saan nanggaling ang nasabing  halaga.

Makaraan aniya ang pagsalakay, iniutos ni De Lima ang paglilipat sa 19 drug lords sa NBI.

Ilan sa kanila ay tumestigo noong nakaraang linggo sa Kamara.

Tanging si Jaybee Sebastian lamang ang naiwan sa NBP at pagkaraan ay lalong namayagpag ang bentahan ng ilegal na droga sa NBP.

Nakalikom aniya si Sebastian ng pera mula sa drug money at ginamit na pondo sa eleksiyon ni De Lima.

Itinatanggi ni De Lima ang nasabing alegasyon.

( LEONARD BASILIO )

EBIDENSIYA NG DOJ FAKE
NA PARANG ‘WIG’
NI AGUIRRE— DE LIMA

NIRESBAKAN ni Sen. Leila de Lima si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa pagtuturo sa kanya na nakinabang sa illegal drug operation sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay De Lima, peke ang mga ebidensiya ni Aguirre na maihahalintulad sa buhok ng kalihim na wig lamang at hindi tunay.

Ang totoo aniya na hindi mapasusubalian ay talamak na patayan sa ating bansa.

Giit ng senadora, imbes sila ang punahin, dapat aniyang tutukan ng DoJ ang pagsisiyasat sa mga sindikatong nasa likod ng pagtutulak ng droga at ang pag-iral ng vigilantes na pumapatay sa iba’t ibang parte ng bansa.

“Secretary Aguirre’s alleged evidence against me is like his toupee, his wig – fake and cosmetics only. There is nothing into it other than that. Nothing’s authentic. What is real however are the killings. What is tragic is that these killings continue unabated. And the criminals, including these so-called vigilantes, are getting bolder; while the victims are getting younger,” pahayag ni De Lima.

SEX VIDEO NI DE LIMA
GAGAMITING EBIDENSIYA

AMINADO si Justice Sec. Vitaliano Aguirre, pinag-iisipan nilang gamitin din bilang ebidensiya ang sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima at ng dating driver ng senadora na si Ronnie Dayan.

Ito ay kung hindi aniya makikipagtulungan ang dalawa sa pagsisiyasat ng House panel sa usapin ng drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Giit ni Aguirre, matibay na ebidensiya ang sex video para patunayan kung gaano kalapit sa senadora ang dati niyang driver na inaakusahang kolektor ng drug money sa NBP.

Ngunit una nang nanindigan si De Lima na gawa-gawa lamang ang sex video na iniuugnay sa dating DoJ secretary.

Sabi aniya ng kanyang staff, hindi tugma ang hitsura ng nasa video/picture sa physical features niya.

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *