DOKUMENTADO pala ang gagawin ni Direk Paul Soriano sa panganganak ng kanyang misis na si Toni Gonzaga ngayong September. Naghahanda na siya at hitsurang isang malaking film ang ididirehe niya. Sana nga raw ay hindi siya maiyak ‘pag lumabas na ang baby nila dahil magiging emotional ang moment na ‘yun.
“I can’t wait to meet him, the little boy,” deklara pa ni Direk Paul sa isang panayam.
Karamay din niya ang bida ng My Rebound Girl na si Alex Gonzaga sa pagsalubong sa first baby nina Toni at Direk Paul.
Anyway kung inaabangan na ang panganganak ni Toni, sa Home Sweetie Homenaman ay iniuwi na sa bahay ang Baby Summer nina Julie (Toni) at Romeo (John Lloyd Cruz). OA ang pagiging protective ng mag-sweetie dahil ayaw ipahawak sa iba at baka makalanghap ito ng mikrobyo.
TALBOG – Roldan Castro