Friday , November 15 2024

Pulis narcotics utas sa selos

PATAY ang isang anti-narcotics operative ng Manila Police District makaraan barilin ng isang lalaki nitong Sabado sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si PO1 Kirk Alwin Gonzales, miyembro ng Malate Police Station’s anti-illegal drugs unit.

Ayon sa ulat, paalis si Gonzales sa kanyang inuupahang apartment sa Balagtas St., nang barilin sa likod ng suspek na si Eli Mathan Sumampong, dakong 3 a.m.

“Umuwi lang ‘yung tao ko para kumuha ng gamit,” pahayag ni Senior Inspector Fernildo de Castro.

Napag-alaman, si Sumampong ay dating mister ng isa sa may-ari ng apartment. Sinasabing inakala ng suspek na ang biktima at ang dati niyang misis ay may relasyon.

“Lumalabas po sa imbestigasyon namin na itong si Eli Mathan na dating asawa ng isa sa part owner ng apartment ay naghihinala tungkol doon sa tao ko (Gonzales) na may relasyon pero wala naman,” pahayag ni De Castro.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *