SINUSPINDE ng New Bilibid Prison (NBP) ang conjugal visits sa maximum security compound simula kahapon.
Base sa statement mula sa spokesperson ng PNP Special Action Force (SAF), ang bagong development ay bahagi nang pinahigpit na seguridad sa national penitentiary.
Bago ang suspensiyon, ang mga asawa ng mga bilanggo sa Bilibid ay puwedeng matulog sa piitan Sabago ng gabi hanggang Linggo ng umaga.
Ngunit sa ngayon ay ipagbabawal muna ito.
Puwedeng bumisita ang mga asawa ng inmates ngunit hanggang visitor’s area lamang.
( JAJA GARCIA )