MAS lalong pinaigting ng Manila Police District (MPD) ang ipinatutupad na ‘police visibility’ sa vital installations sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Director, Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, ito ay bilang pagtugon sa “state of lawless violence” na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa.
Aniya, kabilang sa mga lugar na mahigpit ni-yang pinababantayan ang paligid ng Malacaiñang, US Embassy, Korte Suprema, Court of Appeals, mga ahensiya ng pamahalaan, LRT stations, simbahan, paaralan gayondin ang Pandacan Oil Depot.
Sinabi ni Coronel, pinalakas nila ang pagpa-patupad ng random checkpoints sa estratehikong mga lugar upang makatulong sa pagpigil sa posibleng magaganap na mga krimen sa lungsod, partikular kapag disoras ng gabi.
( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Julyn Formaran )