HINDI totoong may tampuhan ngayon sina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino dahil sa napapabalitang pag-oober da bakod nito. Nananatili siyang manager ng aktres-TV host sa mga endorsement niya.Wala raw nagbago at nananatili pa rin ang kanilang relasyon. May contract pa rin daw sila.
Hindi lang siya makapagbigay ng komento sa isyu ngayon kina Kris at Mr. Tony Tuviera dahil parehong hindi nagsasalita ang dalawang kampo. Hindi rin niya alam kung ano talaga ang pinag-uusapan nila.
“Hindi siya nagpaalam, hindi naman kami naghiwalay,” sambit pa ni Kuya Boy.
Hindi pa natatapos ang tsika kung lilipat ba talaga sa GMA 7 si Kris o patuloy pa rin ang negosasyon niya sa ABS-CBN 2.
Hinihintay din ng netizens kung marami bang nakalinyang proyekto si Kris na ipo-produce ng APT Entertainment.
Wala pang linaw ang lahat!!!
TALBOG – Roldan Castro