KABILANGdin si Yen Santos sa New Millennial Regal Babies dahil pumirma siya kamakailan ng non-exclusive contract sa Regal Entertainment,Inc. nina Ms. Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde.
Masuwerte si Yen dahil hindi siya tinanggihan ni Piolo Pascual na maging leading lady sa Once In A Lifetime. Malaking break talaga kay Yen na si Papa P ang kasama niya.
Hindi maiwasan ni Yen na ma-starstruck habang kaeksena si Piolo. Sobrang guwapo raw nito at hindi niya maiwasang ma-distract. Pero nakatulong daw ‘yung bonding at kuwentuhan nila bago umuwi kaya naging komportable na siya.
Anyway, single ngayon si Yen. Tatlong taon na raw na wala siyang boyfriend. Itinanggi niya na naging sila ni Arron Villaflor. Nanligaw daw ito pero hindi naman niya binasted. Pinatigil daw niya ito dahil naiilang siya. Mas comfortable raw siya na magkaibigan lang sila.
Inamin din niya na na-hurt talaga siya sa paghihiwalay nila noon ni Jason Abalos.
“‘Yun po ang pinaka-heartbreaking. Natuto na ako sa sarili kong experiences,” deklara pa niya.
TALBOG – Roldan Castro