PATAY ang dalawang lalaki, kabilang ang isang pulis makaraan humarurot mula sa isang checkpoint sa Malate, Maynila at makipagbarilan sa mga pulis nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga napatay na sina PO2 Manuel Fuentes at Alexander Escobal.
Sa pinaigting na police checkpoint, pinatigil ang mga suspek sa Adriatico St., ngunit imbes huminto ay pinaharurot ang sinasakyang motorsiklo kaya’t sumem-plang sa center island.
Agad bumunot ng baril sina Fuentes at pinaputukan ang mga pulis kaya’t ginantihan sila ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek.
( LEONARD BASILIO )