MAGANDANG pagsuporta sa Duterte administration at sa programang kontra-droga ang ginawa ng Star Magic na ipa-drug test ang mga talent nila.
Bagamat voluntary drug test ang nangyari ay malaking factor ito para maipakita sa publiko kung sino talaga ang negative sa droga. Forty sa Star Magic talent ng sumailalim sa naturang pagsusuri.
“Results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil and Diego Loyzaga and the rest of the Star Magic artists. Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug-free,” bahagi ng statement ng Star Magic.
Hindi na binanggit kung sino-sino pa ang 37 Star Magic artists na nagpa-drug test.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro