Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nabuhawi pumanaw na

TULUYAN nang binawian ng buhay kamakalawa ang isang security guard na malubhang nasugatan nang tamaan ng bakal sa ulo sa kasagsagan nang pananalasa ng buhawi sa lungsod ng Maynila nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Supt. Santiago Pascual III, station commander ng Manila Police District (MPD) – Station 3, dakong 4:30 pm nitong Martes nang ideklarang patay ng mga doctor ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Elmer Quimno, 40, security guard, at residente ng Guzman Dormitory, sa Z. P. de Guzman St., Quiapo, Maynila.

Magugunitang nasa rooftop ng dormitory ang biktima nang dumaan ang buhawi dakong 4:40 pm nitong Linggo, Agosto 14. Pagkaraan, isang bakal na natangay ng buhawi ang tumama sa ulo ng biktima. Isinugod sa pagamutan ang biktima upang lunasan ngunit binawian ng buhay makalipas ang dalawang araw dahil sa severe traumatic brain injury.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …