Friday , November 15 2024
road traffic accident

Leeg ng garbage collector sumabit sa kable, tigbak (Nahulog sa truck)

PATAY ang isang basurero makaraan mahulog mula sa isang garbage truck nang sumabit ang kanyang leeg sa isang nakalaylay na kable habang nakaupo sa ibabaw ng naturang sasakyan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jonel Cataylo, 25, ng Building 26, Unit 119, Permanent Housing, Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ni SPO4 Marco Saunar, nakatalaga sa Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila Police District (MPD) – Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), dakong 2:40 am nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Lacson Avenue sa Sampaloc, bago dumating sa Nagtahan flyover.

Sa salaysay ng saksing si Jovanie Ybanes, kasamahan sa trabaho ng biktima, nakasakay sila sa ibabaw ng isang Isuzu garbage compactor truck (ABJ-9136) ngunit pagsapit nila sa naturang lugar ay nagulat siya nang sumabit ang leeg ni Cataylo sa isang nakalaylay na kable, naging dahilan ng pagkahulog mula sa truck.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *