BAGAMAT ipinakilala na ang mga bagong PBB Teen housemates, nalalapit na ring ma-waley ang Home Sweetie Home actress-TV host na si Toni Gonzaga sa PBB. Malapit na kasi itong manganak ng baby boy sa September o October.
Laging sinasabi ngayon ni Toni na natatakot siya at nagwo-worry dahil ang biggest fear niya ay ang panganganak.
Nagpapahinga na rin si Mariel Rodriguez sa hosting job niya sa PBB at It’s Showtime dahil maselan ang kanyang pagbubuntis. Sa huling panayam sa kanya ay nagpapasalamat siya sa Kapamilya management dahil nauunawaan nila ang delikado niyang kalagayan.
“I’m fighting for my baby’s life so talagang kakarerin ko muna ito,” deklara niya.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro