KILALANG masayahin, pinakamasarap na katrabaho at palakaibigan si Maja Salvador. Kalorky na intrigahin na umano’y may attitude kaya nag-last taping na raw sa FPJ’s Ang Probinsiyano”? Ano ba ang totoo? Pinatay na ba ang karakter ni Maja?
Unfair naman kay Maja ang balitang kumakalat na nagrereklamo na umano ang production sa kanya dahil nagbibigay ng problema.
Hindi kami makapaniwala dahil wala sa image ni Maja ‘yan.
Isang professional na artista si Maja, magiliw, magaling makisama. Mabuting tao tapos gagawan ng isyung ganyan.
Tigil-tigilan na ang panggawa ng kasinungalingang isyu kay Maja, ‘no?
( ROLDAN CASTRO )