Monday , May 12 2025

Lola patay sa tren, 2 paa naputol

080916_FRONT
NAPUTOL ang dalawang paa ng isang 60 anyos lola makaraan mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang nagte-text sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Norma Taylan, nakatira sa 922 Antipolo St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima patawid sa riles malapit sa España Station nang mahagip ng tren na patungong Tutuban dakong 5:00 pm.

Napansin din na may hawak na cellphone ang biktima na tila may ka-text kaya hindi napansin ang tren na noo’y mabagal ang takbo, bukod sa mahina ang pandinig ng matanda.

Huminto ang operator ng tren, hindi para itakbo sa ospital ang biktima kundi hindi para alisin ang dalawang putol na paa na sagabal sa muling pagtakbo ng sasakyan.

Samantala, hindi nakuha ng mga saksi sa insidente ang body number ng tren na nakasagasa sa biktima.

(ni LEONARD BASILIO may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz)

About Leonard Basilio

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *