Saturday , November 16 2024
dead

Tulak pinatay sa loob ng bahay

PINASOK ng hindi nakilalang mga lalaki ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher at siya ay pinagbabaril sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Terry Cayuvit, 34, walang hanapbuhay, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng 2828 Beata Street, Pandacan, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 12:15 am nang maganap ang insidente sa bahay mismo ng biktima.

( LEONARD BASILIO )

Nasa drug watch list

PADYAK DRIVER BULAGTA SA TANDEM

PATAY ang isang 39-anyos pedicab driver na police asset at kabilang sa drug watch list ng Manila Police District (MPD), makaraan pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Mary Jhonston Hospital ang biktimang si Danilo Mendoza Jr., 39, residente ng 538 Penalosa Street, Tondo.

Habang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang mga suspek makaraan ang insidente.

( LEONARD BASILIO )

TULAK TINADTAD NG SAKSAK

TADTAD ng saksak at wala nang buhay nang matagpuan ang isang sinasabing notoryus na tulak sa isang bakanteng lote sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Simplicio Arcenal, nasa hustong gulang, ng Saint Mary Compound, Brgy. Almanza Uno ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong 7:45 am nang itawag ng concerned citizen sa Police Community Precinct (PCP-7) ang kaugnay sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa bakanteng lote malapit sa St. Mary Compound, Brgy. Almanza Uno.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng PCP 7, sa pamumuno ni Chief Insp. George Tilos, natagpuan nila ang bangkay na may karatulang nakasaad ang katagang “Pusher ako, Huwag tularan.”  (JAJA GARCIA)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *