Sunday , December 22 2024

Biker todas sa away-trapiko sa Quiapo

072716 biker dead
SINISIYASAT ng mga tauhan ng MPD-SOCO at Homicide Division, ang bangkay ng siklistang si Mark Vincent Geralde, 35 anyos, binaril at napatay nang nakaaway niyang driver ng kotse dahil sa trapiko sa P. Casal St., Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi. ( ALEX MENDOZA )

PATAY ang isang lalaking sakay ng bisikleta makaraan barilin ng driver ng kotse na nakaaway niya dahil sa trapiko sa Quiapo, Maynila kamakalawa.

Kitang-kita sa CCTV kung paanong sinugod ng isang lalaking sakay ng Hyundai EON ang isa pang lalaki na nakasakay sa bisikleta.

Nagpalitan ng suntok ang dalawa ngunit nagkaayos din makaraan ang ilang minuto.

Nagkamayan pa ang dalawa bilang tanda ng pagkakaunawaan. Ngunit may iba na palang plano ang lalaking nagmamaneho ng kotse.

Kinilala ang biktimang si Mark Vincent Geralde, 35 anyos.

Habang isang 18-anyos estudyante ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *