REBELASYON si Joshua Garcia nang makasama niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa bagong pelikula nila na kinunan sa Barcelona. Nagbiro siyang nainggit sa ka-sweetan ng dalawa. Wala kasi siyang partner doon kaya si Direk Olive Lamasan na lang daw ang niyayakap niya.
Bilib siya sa KathNiel dahil inalalayan siya bilang baguhan. Hindi rin siya nakatitikim pa ng pamba-bash sa fans lalo’t hindi naman niya inire-reveal kung ka-love triangle ba siya ng KathNiel. Basta mahalaga raw ang role niya sa movie at part ng kuwento.
Kasama rin si Joshua ngayon sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na The Greatest Love na gaganap siyang apo ni Sylvia Sanchez.
TALBOG – Roldan Castro