Saturday , November 16 2024

Manhunt inilunsad vs truck driver (Umararo sa 3 estudyante)

NAGLUNSAD ng manhunt operation ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) laban sa driver ng truck na umararo sa tatlong college students habang naglalakad sa bangketa ng San Miguel, Maynila nitong nakaraang linggo.

Inilabas na ng pulisya ang larawan ng truck driver na si Jose Rafael Lubong, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon kay S/Insp. Arnold Sandoval, hepe ng Investigation Traffic Bureau ng MPD, si Lubong ay mahaharap sa kasong ‘abandoning person in danger’ at ‘reckless imprudence resulting in multiple physical injuries’ sa piskalya.

Magugunitang nitong Biyernes ng umaga ay inararo ng truck (WAP-148) na minamaneho ni Lubong ang mga estudyanteng sina Clarence Ray Ocampo, 2nd year engineering student ng Technological Institute of the Philippines (TUP), Nika Francisco at Daphne Lorenzo, kapwa estudyante ng National Teachers College (NTC), nagpapagaling na sa iba’t ibang pagamutan. ( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ni Kimbee Yabut )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *