MAS gugustuhin na lang daw ng Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao na mag-politiko ang mga anak na lalaki kaysa sundan ang yapak niya na isang boksingero.
Ani Manny, susuportahan niya kung ano man ang gustong propesyon ng kanyang mga anak basta ‘wag lang ang pagiging boksingero.
Aniya, “Susuportahan namin kung ano man ang gusto nilang propesyon pero ‘wag lang ang pagboboksingero mahirap ‘yun.
“‘Mas okey kung public servant.”
At ngayon nga pinasok na ng isa nitong anak na lalaki ang pagmo-modelo na ‘di naman malabong subukan din ang showbiz na hinihintay ng maraming humahanga sa kakisigan ng anak.
MATABIL – John Fontanilla