Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parking collector inutas sa tabi ng anak

 

MISMONG sa harap ng kanyang 12-anyos anak binaril at napatay ang isang 47-anyos parking collector sa Binondo, Maynilakahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Zaldo Cualing, may asawa, ng 1136 Wagas St., Tondo, habang mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Milbert Balinggan kay Senior Insp. Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, bandang 2:00 am, naganap ang insidente sa Claro M. Recto Ave., at Juan Luna St., sakop ng Binondo sa Divisoria.

Ayon sa anak ng biktima na si Albert, 12-anyos, magkatabi sila ng kanyang ama nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang kanyang tatay.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman sa pagiging parking collector ng biktima ang motibo sa pagpatay.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimberly Ann Yabut at Joana Cruz )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …