Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kurot Sundot ni Alex Cruz

Aklat sa Plaridel elementary school pinapa-xerox na lang

KAMAKAILAN ay nagbigay ng paniniguro ang dating  DepEd secretary Armin Luistro na handa ang kagawaran sa pagpasok ng GRADE 11 ngayong taon.

May sapat daw na classrooms, teachers, mga gagamiting libro,  etc., etc  sa nasabing grade.  Siyempre, kasama na sa assurance na iyon ang Kinder hanggang Grade 6 at ang Junior High School.

Bagama’t maraming report na nagkakagulo ang enrolment sa Grade 11, at maraming estudyante ang hindi na sumampa sa Senior High School, tuloy ang buhay sa mga pampublikong paaralan.

Pero teka… mukhang diskarel ang binitawang salitang iyon ng dating Secretary Luistro. Dahil dito sa Plaridel Elementary School na nasa pagitan ng Lico St. at Pampanga St. ay dismayado ang mga magulang sa kakulangan ng libro partikular sa GRADE 1.

Reklamo sa atin ng mga magulang/guardians ng mga mag-aaral sa Grade 1 dito sa Plaridel ay walang naibigay na libro sa mga batang mag-aaral  partikular dito sa tinuturuang section ni Ma’m Tintin Almelon.

Sa halip daw na mabigyan ng kanya-kanyang libro ang mga bata ay pinasi-XEROX na lang daw ang mga libro.

Apat na libro po ang pinagtiyagaang ipa-photo copy bawat pahina ng mga magulang. Ito po ay ang mga aklat na EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO, MATHEMATICS, MTB-MLE at ARALING PANLIPUNAN.

Anak ng huweteng. Panibagong gastos ito sa mga naghihikahos na Pilipino.    At dagdag pa sa sakripisyo at kalbaryo ng mga magulang ang pagpapa-BOOK BIND ng  na-xerox na mga pahina ng aklat para magmukhang libro.

Puwede po bang pakisilip ang problemang ito sa bagong pamunuan ng Department of Education na pinamumunuan ngayon ni SECRETARY LEONOR BRIONES?

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …