Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, malakas pa rin ang karisma

LUMALABAS pa lang patungong stage si Willie Revillame, dumadagundong na sa ingay at nagsasayawan na mga studio audience ng Wowowin.

May mga kababaihang halos maglupasay at may mga kalalakihang animo’y nagkikikisay para mapansin ni Willie habang kumakanta.

Malakas talaga ang karisma ni Willie sa tao. No wonder number one among Kapuso show ang Wowowin.

Kapansin-pansin na pusong maka-ina siya dahil pawang mga nanay ang niyayakap niya, binibigyan ng jacket, at higit sa lahat pera.

Minsan sa awa ni Willie kapag hindi nakaka-shoot ng bola, pinagbibigyan niya uli para magkapera.

Pinay X Factor Israel Grand Winner Osang, balik-‘Pinas

MULING darating sa bansa ang OFW/Pinay Grand Winner ng X Factor Israel na si Rose Osang Fostanes ngayong Hunyo matapos ang matagumpay na concerts sa Australia , Europe, at USA.

Ang pagbabalik nito sa Pilipinas ang magsisilbing bakasyon mula sa paglibot sa iba’t ibang panig ng mundo para mag-konsiyerto.

Pero habang nagbabakasyon sa Pilipinas, may mangilan-ngilang guestings ito sa iba’t ibang TV shows kasama na rin ang mall shows, radio guestings, at hotel gigs.

Magiging continuation na rin ito ng naudlot na promotion ng kanyang album sa bansa dahil noon ay kinailangan siyang bumalik ng Israel para sa mga naiwang gigs.

Heart, may sarili ng clothing lines

PINASOK na rin ng maganda at mahusay na aktres na si Heart Evangelista ang pagnenegosyo bukod sa pagiging artista at may bahay ni Senator Chiz Escudero.

Maglalabas na nga siya ng sariling clothing lines na ayon sa aktres ay may temang black and white at very affordable ang mga presyo.

Bukod sa clothing lines, masayang-masaya si Heart sa buhay may asawa at sa kanyang top rating teleserye with Dennis Trillo.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …