INIINTRIGA si Eula Valdes kung hindi raw kaya magselos si Rocky Salumbides sa bagong leading man niya na si Christian Vasquez?
“Naku, hindi! Bakit naman siya magseselos? Hindi ganoon ‘yun.
“Artista rin siya kaya alam niya na ang trabaho ay trabaho.”
Kahit may abs si Christian ay deadma raw si Eula.
“May sarili na akong mga pandesal sa bahay,” sey niya na ibig sabin hindi rin pahuhuli si Rocky sa abs niya.
Samantala, kilalang supporters ni President-elect Rody Duterte si Eula. Noong election nga ay nagpagawa siya ng mga Duterte shirt na ipinamigay sa mga friend at staff ng kanyang serye. Hindi siya naba-bash gaya ni Mocha Uson dahil hindi siya mapapel at maepal.
“Happy ako na nanalo si Duterte. Wala akong maiko-comment doon sa ibang supporters niya na sinasabi n’yo, wala naman akong karapatang makialam, buhay nila ‘yun.Basta nanalo si Duterte at masaya na ako roon,” deklara niya.
Pak!
TALBOG – Roldan Castro