HINDI naman hunk actor ang image ni Enrique Gil kaya walang effort na magpaganda ng katawan.
Wholesome ang atake niya kaya deadma siya na magkaroon ng pandesal sa katawan. ‘Yung ganda ng mukha ni Enrique ang panlaban niya.
Pero, nababawasan ang pantasya sa kanya ‘pag naghuhubad siya sa kanyang serye na Dolce Amore. Nakaka-turn off ang bilbil niya. Tigil-tigilan na ang pagta-topless. Sapat na ang ganda ng istorya at love story ng pangunahing bida para panoorin ito.
Binabansagan siya tuloy na bagong ‘Bilbil King” .
Aray ko!
TALBOG – Roldan Castro