Sunday , November 24 2024

SOCE ng LP pinalawig ng COMELEC

PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) hanggang Hunyo 30 ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kandidatong tumakbo sa nakaraang halalan.

Sa botong 4-3, pinagbigyan ng Comelec en banc ang hirit ng Liberal Party na ma-extend ang deadline nang pagsusumite ng SOCE.

Sa kabila ito ng rekomendasyon ni Campaign Finance Office commissioner-in-charge Christian Robert Lim, na hindi dapat pagbigyan ang kahilingan ng LP dahil hindi ito patas para sa ibang kandidato at partido na sumunod sa deadline.

Nabatid na nitong Martes lang nakapagsumite ng SOCE ang Liberal Party, anim araw makaraan ang orihinal na deadline na Hunyo 8.

Sa lahat ng mga kandidato sa pagka-pangulo, tanging si LP standard bearer Mar Roxas lang ang hindi pa nakapagsumite ng SOCE. Ayon sa kampo ni Roxas, bulto-bulto ang mga resibo na kailangan ma-scan at dapat ikabit sa mga dokumento kaya sila bigong makahabol sa deadline na itinakda ng Comelec.

About Hataw News Team

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *