Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby dragon isinilang sa Slovenia

DATING ikinonsidera ang hindi pangkaraniwang mga nilalang sa kuweba ng Postojna sa Slovenia bilang buhay na katibayan na mayroong tunay na mga dragon, at nagbunsod ito para iwasan ng mga awtoridad ang nabanggit na lugar.

Ngunit ngayon, sanlaksa mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakapila para saksihan ang masasabing pambihirang pagpisa ng misteryosong mga olm—mga sinaunang underwater predator na nabubuhay nang mahigit 100 taon at minsan lang sa bawat dekada nagkakasupling.

Kamakailan ay naganap ang inaasahang pamimisa ng itlog at sumulpot ang translucent larva makalipas ang apat na buwan ng gestation, na masusing naka-monitor ng mga siyentista ang pagsilang, na nahuli sa live camera, ay hindi lamang ‘isang milagro’ pahayag ng tagapagsalita ng kuweba.

“A mere two baby olms successfully hatch from 500 eggs in nature,” wika nito sa opisyal na pahayag.

Matatagpuan lamang sa Balkan cave rivers, ang protektadong species na wangis ng igat ay naninirahan sa world-famous na Postojna cave, 50 kilometro (30 milya) sa timog-kanluran ng kabiserang Ljubljana, sa nakalipas na milyon-milyong taon.

“Although both science and researchers’ previous experience gave us almost zero chance that the drama unfolding in the cave aquarium before our very eyes would have a happy ending… we had faith it would happen,” dagdag ng cave spokesperson.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …