Friday , November 15 2024

15-anyos kaanak ni Digong utas sa saksak

PATAY ang isang 15-anyos binatilyo na sinasabing kamag-anak ni Incoming President Rodrigo Duterte sa Davao City.

Sumuko sa mga awtoridad ang mga suspek sa takot nang mabatid na isang Duterte ang kanilang napatay.

Kinilala ang biktima na si Daniel Duterte, residente sa Purok Interior Kilometer 5, Buhangin sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa tiyahin ng biktima, wala silang alam na kaaway ng biktima at wala raw kinaanibang grupo.

Ang lolo ng biktima na si Gaudencio Duterte, katarungan ang hiling sa sinapit ng kanyang apong si Daniel.

Sinabi rin ng nakatatandang Duterte, malayong kamag-anak nila ang bagong pangulo na si Rodrigo Duterte.

Sumuko sa pulisya nitong Lunes ang dalawang suspek sa krimen na sina Gepsy Obar, 18; at Angelito Longay, 20-anyos.

Ayon kay Obar, sumuko siya dahil nalaman niyang isang Duterte ang kanilang napatay.

Lasing umano siya at nagkataong kasama ni Daniel si Joven Villacuer, ang pakay nila dahil may atraso sa kanila.

Naniniwala ang pulisya, personal na alitan ang ugat ng krimen at posibleng nadamay ang biktimang si Daniel sa away ng magkalabang grupo.

Sinasabing nasugatan din ngunit nakaligtas sa pananaksak si Villacuer.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *