Sunday , December 22 2024

Hired killer arestado sa Laguna

ARESTADO ng pulisya ang isang ex-convict na hinihinalang gun-for-hire, sa operasyon ng mga awtoridad nitong Linggo sa Sta. Maria, Laguna.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Steve Requitud, residente ng Brgy. Inayapan sa nasabing bayan.

Ayon sa Philippine National Police’s Criminal Investigation Group (CIDG), ang suspek ay hinihinalang gun-for-hire.

Tinangka ng suspek na dumampot ng Magnum .357 handgun nang pasukin ng mga operatiba ng Police Regional Office 4A’s (Calabarzon) regional CIDG at Special Weapons and Tactics, ang kanyang bahay.

Nakompiska rin mula sa bahay suspek sa Brgy. Coralan ang isang M-14 sniper rifle, isang Bushmaster baby rifle, at dalawa pang handguns at ilang magazine na may mga bala.

Nakompiskahan din ang panganay na anak ng suspek na si Edward, ng isang .22 shotgun, isang AK-47, at ilang bala at shotgun shells.

Binigyang-diin ni Edward, nanalo bilang konsehal ng bayan sa nakaraang eleksiyon, ang nakompiskang mga armas sa kanilang bahay ay pawang lisensiyado

“May mga lisensiya itong lahat, registered. Kailangan kasi for self-defense dahil politiko kami,” aniya.

Ngunit sinabi ni Senior Supt. Joel Pernito, hepe ng regional CIDG unit, ang mga armas ay hindi rehistrado.

Dagdag ni Pernito, ang operasyon ay bahagi nang ipinatutupad ng pulisya na Oplan Paglalansag Omega laban sa lose firearms, at Oplan Salikop laban sa criminal gangs.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *