Monday , December 23 2024

Eduard, aliw sa ‘away’ nina Jobert at Arnell

NAALIW ang Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magicna si Eduard Banez kina Arnell Ignacio at Jobert Sucaldito.

Parehong malapit sa puso niya ang dalawang ito.

Nag-post  si Jobert sa kanyang Facebook Account ng, ”I am sorry about that but I had to block you dear friend Arnelli Ignacio dahil sa sobrang pagka-OA mo sa pagdi-defend sa idolo mong si Duterte. Kahit mali pilit mong Itinatama.  Ayokong mandiri sa iyo kaya for us to remain friends, might as well block you para ‘di ako mabuwisit. Mas makabubuting huwag kitang mabasa sa mga opinyon mo kaysa habambuhay tayo manggigil sa isa’t isa. Tama naman, ‘di ba?”

Sumagot naman si Arnell sa kanyang Facebook Account ng, ”To my dear friend Jobert Sucaldito. Nauunawaan ko. Lam ko maiinis ka sa pag-defend ko kay President Duterte but I know you know how strongly I stand up for what I believe in and fiercely I believe in the Presidents national resolve. Kaya mas ok nga ‘yun. But of course we will remain friends in a platform more genuine than Facebook. Labs you my friend. Basta sa text naman hindi ako blocked ‘di ba hehehe.”

Dagdag pa ni Arnelli, ”Mahal ko ‘yang si Jobert kaya kahit ‘yung “buwisit” niya sa akin nirerespeto ko rin. Ganyan lang talaga buhay namin. Si Nanay Cristy at Jobert eh, matagal na pinagsamahan namin. kaya kapag galit sila eh mahal ko pa rin sila.

“Mahal ko talaga ‘yang si Jobert. parang Duterte rin ‘yan sa tapang. Eh, ako bargas din eh pero kapag mahal ko eh, sige lang. Mas nangingibabaw ‘yun. Parte ng buhay. After niyan kita mo mas sweet pa kami,” sambit pa ni Arnelli.

“Friendship still remains Jobert Sucaldito and Arnell  Ignacio. Parang separation lang ng church and state ang peg..hehehe love you both. You are both very intellectual in terms of entertainment and politics.. Kasabihan nga friendship and business should be separate. :-),” post naman ni Eduard sa Facebook niya.

Agree rin si Eduard sa ‘block’ issue sa kanila. Ang importante ay nagkakaunawaan sila sa isa’t sa at nariyan ang respeto . Go lang daw kung ano ang gusto ng bawat isa at i-enjoy lang ang buhay. Very realistic daw ang nangyari. Ang mga honest na tao gaya ni Jobert lang daw ang makagagawa ng ganyan.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *