Friday , November 15 2024

50 timbog sa Oplan Galugad sa QC

UMABOT sa 50 indibidwal ang nahuli nang pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga opisyal ng barangay sa isinagawang Oplan Galugad sa Payatas, Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Tatlumpo sa mga dinampot ay pawang menor de edad na lumabag sa ordinansa ng curfew.

Sinuyod ng 120 pulis at tanod ang mga eskinita sa Payatas, bukod sa mga menor de edad, hinuli rin ang mga nag-iinoman sa kalye at nakahubad.

Habang arestado ang dalawang lalaki nang mahulihan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jestoni Manceleto, 22, at Joemar Frugal, 27 anyos.

Ayon sa barangay tanod na si Robert Arca, tinangkang tumakbo ng dalawa nang dumating ang mga pulis kung kaya’t agad silang hinuli at kinapkapan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, aminado si Inspector Emil Garcia, commander ng Police Community Precinct 5, talamak talaga ang droga sa Payatas.

Sa katunayan, kinompirma ni Garcia, isa ang Payatas sa 10 pinakamagulong lugar sa Quezon City.

Tuloy-tuloy aniya ang kanilang operasyon para matimbog ang mga nagtutulak ng droga sa lugar.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *