Friday , November 15 2024

P3-M ecstacy nasabat, suspek arestado

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang tinatayang P3 milyong halaga ng party drug na ecstacy at naaresto ang tatanggap sana ng nasabing kargamento.

Ayon sa BOC Enforcement Group, nagsagawa sila ng controlled delivery ng 2,009 piraso ng orange-colored tablets mula sa The Netherlands, nagresulta sa pagkaaresto sa tatanggap sana nito sa Adriatico Residences sa Mabini Street,  Malate, Manila.

Kumuha ang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force ng samples ng nasabing mga tableta at dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa beripikasyon,

Nabatid na ang mga tablet ay nagtataglay ng methylenedioxymethamphetamine (MDMA), itinuturing na dangerous drug sa ilalim ng Republic Act 9165.

“Our accomplishments and good performance on anti-drug operations are clear manifestations of our commitment to eradicate illegal drugs, which fortunately, is in line with one of the programs of the incoming president, Rodrigo Duterte.

Likewise, since I recognize that the incoming president has a free-hand to choose whom to appoint for top-level positions in the BOC, I welcome the person who may be appointed to replace me as Deputy Commissioner for Enforcement,” pahayag ni EG Commissioner Ariel Nepomuceno.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *