AYAW nang mag-comment ni Enchong Dee sa nakaraang isyu sa kanila ni Sandro Marcos.
Sinuportahan kasi ni Enchong si Vice President -elect Leni Robredo at nag-tweet pa siya ng ”A Marcos will always be a Marcos.”
Nag-post naman ang fake account ni Sandro ng, ”A gay will always be a gay.”Humingi naman ng paumanhin si Sandro dahil hindi niya account ‘yun at iisa lang daw ang ginagamit na Twitter account niya.
Hindi naman daw siya nag-react noong panahong ‘yun at ayaw naman niyang sumagot sa poser. Nagre-react lang daw siya sa post niya at pinaninindigan niya kung anuman ang itini-tweet niya. Pero ayaw na raw niya magsalita tungkol sa ugat ng isyu kina Leni at Bongbong Marcos dahil hanggang ngayon sensitive pa rin ang bagay na ‘yon. Nag-stick lang daw siya sa opinyon niya at habang tumatanda raw sa industriya ay dapat na pangatawanan kung ano ang sinasabi.
Sumasaludo raw siya sa ginawa ni Sandro at naroon din ang respeto niya.
Anyway, may bagong show si Enchong sa Knowledge Channel entitled AgriCOOLture. Sisiyatin niya ang malaking potential ng ‘agri-preneurship’ sa pamamagitan ng aquaculture, crop production, at poultry. Ipakikita ni Enchong ang fish farming, tamang paggamit ng fish equipment, at water management, pagpili at pagpapalaki ng stock at pag-ani ng pananim sa tulong ng experts. Nakabatay ang anim na episodes ng AgriCOOLture sa curriculum ng DepEd para sa Grade 9 Technology and Livelihood Education. Ang show na ito ay magsisimula sa July 19. Kaugnay ito ng 17th anniversary ng Knowledge Channel.
Napapanood ito tuwing Martes, Huwebes, at Sabado (11:40 a.m. at 4:00 p.m.).
Bukod dito, sisimulan din ang Mathdali sa June 14na tampok naman si Robi Domingo.
TALBOG – Roldan Castro