Thursday , December 26 2024

Naturete kay Duterte

HINDI pa man opisyal na nakaupo sa puwesto si President-elect Rodrigo Duterte ay naturete na ang lahat mga ‘igan.

Lalong-lalo na ang mga pasaway na drug lord. Paanong hindi matutuete, e mantakin n’yong nag-alok si Duterte ng P5 milyon para sa bawat drug lord na mahuhuli o mapapatay!

OMG! Sinagot naman ng mga past-away ‘este’ pasaway na nga drug lord na nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Take note, dinoble ang amount, wow! Dahil doble-ulo rin ang katapat!

Sus P10 milyon umano sa ulo ni Duterte at ni Dela Rosa. Iba naman ang tugon ni incoming Philippine National Police chief, Supt. Roland Dela Rosa.

“Bring it on! Let’s rock and roll!”

Dagdag niya, hindi siya natatakot, bagkus haharapin ang banta nang buong tapang! Hala…seryoso na ito!

Anyway, matira matibay!

Upang matigil naman mga ‘igan ang katarantadohan at kawalanghiyaan ng mga tagapagpatupad ng batas, aba’y hinamong mag-resign ni Digong ang high ranking police officials na napapabalitang sangkot umano sa mga katiwalian.

Sus ginoo, huwag n’yo nang hayaan o hintayin pang banggitin ang inyong mga pangalan at ipahiya nang bonggang-bongga sa harap ng taong bayan…

Iiyak lang kayo, sampu ng inyong buong pamilya.

In fairness mga ‘igan, may mga pulis din namang tapat kung maglingkod, ‘yun sinasabing “Lingkod-Bayang Inyong Maaasahan” (still remember?)

Ang matindi kasi rito, minsan, kung sino pa ang inaasahan na magtatanggol ay sila pang tagapagtanggol ng mga pasaway at prehuwisyo sa lipunan.

Saan ka pa lulugar? Kung kaya’t humanda na kayo sa hagupit ni Digong!

Tiyak, magtatanda kayo…

Go Digong Go!

MBB at Meralco nagsanib puwersa

ANG Manila Barangay Bureau (MBB) mga ‘igan, na nasa pamumuno ni MBB Acting Director Virgilio S. Eustaquio, katuwang si MBB Assistant Director Ronaldo DL. Moriones, at sina Meralco General Manager Leonardo R. Delos Reyes kasama si Meralco Relationship Management representative Ryan F. Gutierrez ay nagsanib puwersa para maresolba ang mga problemang kinakaharap at haharapin pa lamang ng mga Barangay sa Lungsod ng Maynila, District I–VI, partikular sa usaping elektrisidad.

Dahil sa talamak mga ‘igan ang “illegal connection” ng koryente sa ilang Barangay, partikular sa District III, ay minabuti ni Brgy. 355 Zone 36 Chairman Renato Cajayon na tuldukan na ang maling gawaing ito. Tumakbo at humingi ng tulong sa MBB at mabilis namang tumugon. Nakipag-coordinate agad-agad ang MBB sa Meralco.

Mabilis na umaksiyon ang Meralco mga ‘igan. Napagkalooban ang mahigit 25 pamilya sa nasabing barangay ng kanilang metro upang maging legal ang koryenteng dadaloy. Mabuti naman ang nangyari ‘igan, at hindi na sila magnanakaw pa ng koryente na nagiging sanhi ng mga ‘di inaasahang pangyayari tulad ng sunog.

Saludo po ang BBB kay Meralco GM Delos Reyes sa agarang aksiyon ninyo sa mga problema ng taong bayan partikular sa area na inyong nasasakupan…

Mabuhay po kayo Bossing!

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *