Friday , November 15 2024

PNP low morale sa 3 heneral na sangkot sa illegal drug trade

CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng pamunuan ng PNP Northern Mindanao, makapagdudulot din nang low morale ang ginawang controversial na expose’ ni President-elect Rodrigo Duterte na tatlong police generals ang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Inihayag ni PNP regional spokesperson Supt. Surki Sereñas, umaasa silang hindi totoo ang banat ni Duterte sa tatlong hindi pinangalanang police generals.

Hindi rin naitago ni Sereñas ang pananaw na maaaring magdulot ng ‘demoralization’ sa kanilang tropa na nagsusumikap na labanan ang illegal drugs habang ilan sa top officials nila ay nag-e-enjoy ng mga pabor mula sa drug lords.

Sinabi ni Sereñas, bagama’t si Duterte ang nagbulgar nito, malinaw na wala pang factual charge na naihain sa ano mang korte.

Hinikayat ng opisyal ang lahat ng mga kasamahan na magpatuloy lamang sa kanilang mga trabaho para sa bayan.

Gayonman, all-out support aniya ang buong PNP Region-10 sa anti-drug campaign ng incoming president at katunayan patuloy ang kanilang “Oplan Linis Bahay.”

Sa nasabing “Oplan Linis Bahay,” 36 aniya sa kanilang kasamahan ang sinibak sa trabaho dahil nagpositibo sa drug test.

Pabor din siyang sampahan ng kaso ang sino mang sangkot na kanilang mga tauhan kapag mayroong matibay na ebidensiya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *