Friday , November 15 2024

Cebu mayor kinasuhan sa kontrata pabor sa misis?

SINAMPAHAN ng graft charges ng Office of the Ombudsman si incumbent mayor Ronald Allan Cesante ng Dalaguete, Cebu makaraan aprubahan ang ‘contract of lease’ ng apat na commercial units para sa kapakinabangan ng kanyang asawa.

Batay sa pitong pahinang kautusan, kinatigan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang probable cause para idiin si Cesante sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Revised Penal Code.

Bagama’t naghain ng mosyon ang alkalde, agad itong ibinasura dahil sa kakulangan ng merito.

Batay sa imbestigasyon, ang maybahay ng alkalde ang gumagamit ng commercial space na sakop ng munisipalidad ng Dalaguete.

Habang noong 2007 ay lumagda ng lease contracts si Cesante para paboran ang kanyang ginang.

Dito ay natuklasan na walang approval ng Sangguniang Bayan ang pinasok na kontrata ng naturang alkalde.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *