Friday , November 15 2024

Arkitekto pinatay ng abogado

TACLOBAN CITY – Pinaniniwalaang ‘crime of passion’ ang sanhi ng pagpatay ng isang abogado sa architect sa Leyte Normal University sa Tacloban City.

Ayon kay Chief Supt. Domingo Say Cabillan, Tacloban City director, may lumutang na isyu na posibleng nagselos ang abogadong suspek sa biktima.

Kinilala na ang suspek ngunit hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad habang patuloy ang imbestigasyon.

Ngunit magiging bahagi na raw sa mga “person of interest” na sinisiyasat ng mga imbestigador.

Natukoy ang suspek dahil sa nakuhang CCTV footage nang nasabing unibersidad.

Nauna rito, binaril kahapon sa loob mismo ng library ang biktimang si Architect Jess Archimedes Moscare, residente ng Oras, Eastern Samar.

Binaril si Moscare gamit ang kalibre .45 pistola ng suspek na tumakas makaraan insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *